Pagsusuri sa Himagsik ni Balagtas
Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya ni Chynna Claire P. Castillano Ang himagsik na ito ay nakapaluob sa akdang ‘Florante at Laura’ na isinulat ni Francisco Balagtas. Ito ay tumutukoy sa paghihiwalay ng estado sa simbahan at pagtanggi ng kalakhang Muslim sa Jolo at Mindanao sa relihiyon ng mga Kastila na Katolika o ang pagtanggi ng kalakhang Jolo at Mindanao sa Katolisismo. Ang himagsik na ito ay tungkol din sa hidwaan ng dalawang malalaking relihiyon sa bansa, ang Kristiyanismo at Islam, na siya namang hindi sinang-ayunan ni Balagtas. Sa panahon na isinulat niya ang akda, ang simbahan at pamahalaan noon ay magkapisan at iisa sa kapangyarihan at turing ngunit dalawa ang pangalan. At sa parehong panahong ‘yon, itinuturing ng mga Kastila na kasuklam-suklam na mga nilikhang-diyos ang mga Moro at naging kasingkahulugan pa ng mga salitang ta...